May 22, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Nakita ni Lord ginawa mo!' Cryptic posts ni Athena Imperial, kinonek ng netizens kay Nico Waje

'Nakita ni Lord ginawa mo!' Cryptic posts ni Athena Imperial, kinonek ng netizens kay Nico Waje
Photo courtesy: Athena Imperial, Nico Waje (IG)

Usap-usapan ng mga netizen ang naging Instagram stories ni GMA Integrated News reporter Athena Imperial, na espekulasyon ng mga netizen, ay patama umano sa dating kasamahang si Nico Waje.

Noong Abril 10, nag-post si Nico na tila nasa isang studio siya, na tila nagbabadyang balik-news reporting na ulit siya pero hindi bilang field reporter kundi bilang isang news anchor, bagama't walang nakalagay na impormasyon at detalye tungkol dito.

"Mahal ka palagi ni Lord, Joven," mababasa sa caption ni Nico.

Ang pangalang "Joven" ay pangalawang pangalan ng news personality.

Sa comment section, marami naman ang nagpaabot ng pagbati para sa kaniya.

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

Isang netizen naman ang nangahas na magtanong kay Nico kung anong masasabi niya sa cryptic posts ni Athena.

"What can you say about athena's post?" tanong ng netizen.

Wala namang response si Nico patungkol dito.

Photo courtesy: Screenshot from Nico Waje (IG)

Sa Facebook page ni Nico, ibinunyag niyang ang studio na kaniyang ibinahagi ay bilang anchor ng programang "Customs Check Pilipinas."

Mapapanood ito tuwing Lunes sa social media platforms nito.

"Ano, tara? Ito muna sa ngayon. Bigger things will come soonest. And I thank the Lord for everything," saad ni Nico sa kaniyang FB post.

Ang nabanggit na programa ay binuo para sa mga may reklamo at katanungan sa mga transaksyon sa Bureau of Customs (BOC), sa mga paliparan at pantalan.

CRYPTIC POSTS NI ATHENA IMPERIAL

Samantala, kasabay nito, naintriga naman ang mga netizen sa IG stories ni Athena, na walang tinukoy na pagkakakilanlan kung sino ang kaniyang pinatutungkulan.

Saad sa isang IG story, "Nakita ni Lord 'yung ginawa mo. Sa akin. Sa amin."

Photo courtesy: Screenshot from Athena Imperial (IG) via Fashion Pulis

Sa isa pang IG story, "You shall not bear false witness against your neighbor."

"Seven people heard me scream. One saw what you did. You just laughed."

Photo courtesy: Screenshot from Athena Imperial (IG) via Fashion Pulis

Mabilis naman itong na-screenshots ng iba't ibang social media pages, kabilang na ang "Fashion Pulis."

Maaaring dahil sa mga nagkalat na screenshots at ulat dito kaya napatanong ang netizen kay Nico kung ano ang reaksiyon niya sa cryptic posts ni Athena.

Matatandaang palaisipan pa rin sa mga netizen ang tunay na dahilan kung bakit wala na sa GMA Network si Nico, na naging viral dahil sa kaniyang kinakiligang looks habang nag-uulat sa lagay ng panahon.

Kaugnay na Balita: GMA news reporter, nagpakilig sa netizens habang nagbabalita

Kaugnay na Balita: KILALANIN: News reporters na usap-usapan ngayong tag-ulan

Bago nito, lumabas naman ang isang blind item tungkol sa isang male news personality na umano'y inaakusahan ng isang mabigat at maselang reklamo

Napaulat din ng Philippine Entertainment Portal (PEP) na sa isang event, ipinakilala raw si Nico bilang "former GMA news reporter" bagay na ikinagulat naman ng fans, supporters, at netizens.

Bandang Enero 2026, makalipas ang halos tatlong buwan, muling nagparamdam sa TikTok ang dating GMA news reporter na umani ng samu't saring reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

Sa video, makikitang nilalaro ng news reporter ang kaniyang pet dog.

Maririnig naman ang background music ng video mula sa awiting "Babaero" ng Syntetiko, tampok ang lyrics mula sa chorus nito, na nli-lip sync din niya.

Saad sa lyrics, "Dapat mo nang malaman na wala lang ang mga sinasabi ng makakating labi. At ba-babaero pangalan ko sa kuwento nilang walang pruweba puro lamang imbento Oh, ba-babaero, ba-babaero, ba-babaero daw ako. Di naman totoo, yeah, hindi naman totoo, 'di naman totoo."

May ilang mga nagbunyi sa pagiging aktibo niya ulit sa social media, may ilang mga nangumusta, pero hindi rin mawawala ang mga nang-urirat tungkol sa intriga.

Sabi ng isang netizen, "been so long. i hope it is not true. rooting for you."

Tumugon naman dito si Waje ng tatlong "finger heart" emojis.

Narito naman ang ilan pa sa mga usisa at tanong ng netizens:

"Hindi totoo?"

"Kumusta na po kayo ng asawa niyo?"

"naka balik na sya guys! I hope you are okay."

"Batch mate ko to sa sja pero sympre hindi totoo crush namin to nun pa gentle man pa."

"i met him in a presscon, he's very approachable and humble. so when the issue broke out, we were shocked. good thing he's back— unbothered and stronger."

"Boss Nico, Official statement sna para wla nang mga issue marites. I started following u since SFT."

Samantala, wala pang reaksiyon, komento, at direktang opisyal na pahayag si Nico patungkol sa mga intrigang ipinupukol laban sa kaniya.

Maki-Balita: 'Hindi totoo!' Nico Waje, pasimpleng winalis intriga tungkol sa kaniya?

Hindi rin nagbigay ng reaksiyon, komento, o opisyal na pahayag si Athena tungkol sa pang-iisyu sa kaniya ng mga netizen, kung sino ba ang pinasasaringan niya sa cryptic posts.