Bunsod ng nagpapatuloy na kaguluhan ng mga bansa sa Middle East, inanunsyo na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang malaking rollback sa langis nito lamang Linggo, Abril 12.
Aniya, para sa diesel, magkakaroon ng pagbabang ₱20.89 kada litro; sa gasolina, magkakaroon ng ₱4.43 pagbaba kada litro; at ₱8.50 namang pagbaba kada litro sa kerosene.
Ang anunsyong ito ay kasunod ng kamakailang kaliwa’t kanang pagtataas sa krudo at pagdaing ng mga mamamayan.
Kaya noong Marso, opisyal nang idineklara ni PBBM ang "State of National Energy Emergency" sa bansa.
Sa deklarasyong ito, pinahihintulutan ng pamahalaan ang pagpapatupad ng programang "Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT)” na layong tiyakin ang pagpapatuloy ng suplay ng enerhiya sa bansa, na makapagpapagaan ng epekto ng krisis sa mga sektor ng transportasyon, agrikultura, at iba pang kritikal na industriya.
MAKI-BALITA: PBBM, nagdeklara ng state of national energy emergency!
KAUGNAY NA BALITA: Ano ang UPLIFT committee ng national energy emergency at sino-sino ang miyembro nito?
Ayon sa DOE, ang Pilipinas ay nag-iimport ng hanggang 98% ng krudo nito mula sa rehiyon ng Middle East, kung kaya, sa kasagsagan ng giyera, nakaposisyon ang bansa at suplay nito sa mahinang posisyon.
Ang suplay ng krudo na ito ay idinadaan sa “Strait of Hormuz” na itinuturing na pinakamahalagang oil chokepoints hindi lamang ng Pilipinas, kung hindi maging ng buong mundo dahil sa naitalang 20 milyong barrel sa isang araw na dumadaan dito, na bumubuo sa 20% global petroleum liquids consumption, ayon sa US Energy Information Administration (EIA).
MAKI-BALITA: ALAMIN: Bakit mahalaga ang ‘Strait of Hormuz’ sa bentahan ng langis ng mga bansa?
Ang nagpapatuloy na pagtataas na ito ay nakaaapekto sa iba’t ibang sektor tulad ng transportasyon, logistics, agrikultura, at pakikipagkalakan dahil sa pagtaas ng operasyon sa mga industriya at pamumuhay ng mga Pinoy, partikular ang mga manggagawa, komyuter, at negosyante.
Epekto ng krisis sa Overseas Filipino Workers (OFWs)
Bukod sa krudo, ang pandaigdigang krisis na ito ay nakaaapekto rin sa higit kumulang 2 milyong OFWs sa Middle East na nakapagbibigay ng kanilang ambag sa sa ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng kanilang mga padalang pera.
Dahil sa kinahaharap nilang panganib, maraming OFWs ang umuwi na sa bansa, kung saan, pati ang kanilang ipon at muling paghahanap ng trabaho ay ilan sa karagdagang pagsubok na kinakailangan pa nilang kaharapin.
Mga solusyon
Kaya sa kasalukuyan, samu’t saring solusyon ang inihain at inimplementa ng pamahalaan sa layong mapagaan ang bigat ng krisis sa mga mamamayan.
Isa na rito ang pagbababa ng ilang anti-hoarding at fuel dispensing guideline ng DOE upang matiyak na hindi magkakaubusan ng langis sa bansa habang patuloy na tinutugunan ang pangangailangan ng bawat isa.
MAKI-BALITA: ALAMIN: Anti-Hoarding at Fuel Dispensing tips sa kasagsagan ng pagtataas ng presyong petrolyo
Ang paglalaan ng espasyo sa eGov app upang maiparating ng mga mamamayan ang kanilang reklamo o oberbasyon sa mga gasolinahan at maiwasan ang posibleng oportunistang pagtataas ng mga ito.
MAKI-BALITA: eGovPH app, puwede nang gamiting sumbungan sa kaugnay ng pagtaas ng krudo–DOE
Gayundin ang “libreng sakay” at “community pantry” ng iba’t ibang lungsod, grupo, at sektor sa layong maibsan ang araw-araw na gastusin ng kanilang mga residente, komyuter, riders, at mga drayber.
KAUGNAY NA BALITA: Libreng sakay ng OVP, tuloy sa gitna ng mataas na presyo ng langis
KAUGNAY NA BALITA: Community pantry, muling binuhay sa gitna ng oil crisis!