May 07, 2026

Home BALITA National

Tulfo brothers, nanguna sa senatorial survey ng OCTA

Tulfo brothers, nanguna sa senatorial survey ng OCTA
MULA SA KALIWA: Rep. Erwin Tulfo at broadcaster Ben Tulfo (File photo)

Nanguna ang magkapatid na sina ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo at broadcaster Ben Tulfo sa 2025 senatorial survey ng OCTA Research.

Sa Third Quarter Tugon ng Masa Survey ng OCTA, 60% ng mga Pilipino ang nagsabing si Erwin ang kanilang iboboto kung ngayon ginanap ang eleksyon, habang 57% ang kay Tulfo.

Sumunod naman dito si dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III na nakatanggap ng 50% at si Senador Bong Go na may 49%.

Nasa ikaapat hanggang ikaanim na ranking sina dating senador Panfilo “Ping” Lacson at Senador Bong Revilla na kapwa nakatanggap 44%.

Samantala, nakatanggap ng 35% si Senador Pia Cayetano, at kapwa 34% sina Senador Francis Tolentino at dating senador Manny Pacquiao.

National

Congressmen na papabor sa impeachment, mababawasan boto sa eleksyon—Rep. Lorenz Defensor

Sinundan naman sila nina Senador Imee Marcos, Senador Lito Lapid, at dating pangulo  Rodrigo Duterte, na pare-parehong nakatanggap ng 33%.

Isinagawa raw ang survey mula Agosto 28 hanggang Setyembre 24, 2024, sa pamamagitan ng pakikipanayam sa 1,200 respondents na may edad 18 pataas.