May 21, 2026

Home BALITA Probinsya

Biyudang nangholdap gamit ang baril-barilan, 'di umubra sa biniktimang beki!

Biyudang nangholdap gamit ang baril-barilan, 'di umubra sa biniktimang beki!
Photo courtesy: Unsplash

Sa kulungan ang bagsak ng isang biyuda matapos siyang magtangkang mangholdap gamit ang baril-barilan sa Davao del Sur.

Ayon sa mga ulat, idinaan ng suspek sa pagpapataya umano ng lotto ang kaniyang modus upang makapambiktima.

Lumalabas sa imbestigasyon na isang lalaking miyembro ng LGBTQIA+ community ang kaniyang tinangkang pagnakawan.

Itinutok umano ng suspek ang baril-barilan sa biktima at saka kinuha ang cellphone nito. Subalit, napansin daw ng biktima na laruan lamang ang dala ng suspek, dahilan upang makanlaban siya at saka gumawa ng eksena,

Kaagad namang pumukaw ng eksena sa rumurondang pulis ang pakikipambuno ng biktima laban sa suspek kung kaya’t mabilis na naaresto ang suspek.

Probinsya

Lalaking tinakbuhan mga nanggugulpi sa kaniya, patay matapos bumangga sa poste!

Nasa kustodiya na ang suspek na nahaharap sa kaukulang kaso.