September 18, 2024

Home BALITA Metro

Lolo, na-hit-and-run ng SUV, patay!

Lolo, na-hit-and-run ng SUV, patay!
FILE PHOTO

Isang lolo ang patay nang mabiktima ng hit-and-run sa Tanay, Rizal nitong Lunes.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktima na inilarawang nasa pagitan ng 60 hanggang 70-taong gulang, scavenger, at nakasuot ng long sleeves at shorts.

Gayundin, nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga pulis sa pagkakakilanlan ng driver ng isang sports utility vehicle (SUV) na nakasagasa sa kanya upang mapanagot ito sa batas.

Batay sa ulat ng Tanay Municipal Police Station, dakong alas-5:00 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa Marilaque Highway, na sakop ng Sitio Pinagtarangkahan, Brgy. Cuyambay, sa Tanay.

Metro

Negosyante, pinagbabaril sa loob ng sasakyan, patay!

Sa salaysay sa pulisya ng testigong si alyas Ana, nabatid na bago ang insidente ay naglalakad sa lugar ang biktima nang bigla na lang siyang mabangga at makaladkad pa ng isang di naplakahang gray na SUV.

Sa halip naman umanong huminto, pinaharurot pa ng driver ang sasakyan at inabandona ang biktima, na kaagad binawian ng buhay bunsod nang tinamong mga pinsala sa ulo at katawan.