May 09, 2026

Home BALITA

'Jailposa!' Congressmeow, ginawang 'profile pic' sariling mugshot

'Jailposa!' Congressmeow, ginawang 'profile pic' sariling mugshot
Photo courtesy: PRO4A

Ibinalandra ni Cavite 4th district Rep. Kiko Barzaga ang mugshot niya matapos niya itong gawing profile picture sa kaniyang opisyal na Facebook Account.

Pinalitan ni Barzaga ang profile picture niya noong Martes, Abril 14, 2026—halos isang araw matapos siyang makapagpiyansa.

“Jailposa,” saad ni Barzaga sa caption ng profile picture niya.

Matatandaang noong Lunes, Abril 13, nang sumuko ang mambabatas sa pulisya sa Dasmariñas City, Cavite matapos lumabas ang arrest warrant laban sa kaniya sa nasabi ring araw, kaugnay ng eight counts of cyber libel cases na isinampa laban sa kaniya.

May inirerekomenda itong piyansa na nagkakahalagang ₱48,000 kada kaso, o kabuuang ₱384,000.Nakapagpiyansa naman ang mambabatas bago 10:00 ng gabi.

11 lugar sa bansa, nasa 44°C 'danger level' heat index ngayong Mayo 8

Noong Enero nang tuluyang sampahan ng cyber liber case ng business tycoon na si Enrique Razon si Barzaga kaugnay ng mga paratang sa kaniya ng mambabatas kaugnay ng umano’t bribery noong Halalan 2025.

KAUGNAY NA BALITA: 'Two counts pa!' Enrique Razon, sinampolan ng cyber libel case si Rep. Barzaga

Bukod dito, nagpahayag pa ang kongresista na dadalhin niya sa korte ang umano’y bribery case laban sa negosyante, kasabay ng kaniyang paninindigang ilahad ang mga ebidensiya kaugnay ng kaniyang mga alegasyon.

“I will be taking the Enrique Razon bribery case to the court,” ani Barzaga. “I will be presenting the evidence of my claims in both Congress and in Court.”

KAUGNAY NA BALITA: Basahin: Rep. Barzaga, handang maglatag ng ebidensya laban kay Razon

Samantala, matapos makapagpiyansa, muling bumanat sa social media ang nasabing mambabatas at iginiit na ang kaniyang pagkakakulong ay isa raw patunay na hindi siya magnanakaw.

“Sigurado na ngayon na hindi ako magnanakaw, dahil walang magnanakaw na pinapakulong si Marcos!” saad ni Barzaga sa kaniya namang Facebook page.

MAKI-BALITA: ALAMIN: Saan nga ba nag-ugat ang 8 counts of cyber libel ni Kiko Barzaga?