September 17, 2024

Home FEATURES Human-Interest

Tibo, nabuntis; nahumaling sa nakainumang beki

Tibo, nabuntis; nahumaling sa nakainumang beki
Photo Courtesy: Screenshots from Ogie Diaz (YT)

Ibinahagi ng LGBTQIA+ couple na sina Kim Adrian Juanico at Apple Hirali ang kuwento ng kanilang pag-ibig sa latest episode ng “Ogie Diaz Inspires” kamakailan.

Sa nasabing episode ng vlog ng showbiz insider, sinabi ni Apple, isang lesbian, na nahumaling daw siya kay Kim, isang beki, nang minsan silang magkainuman.

“Na-attract po ako sa kaniya no’ng nag-inuman kami no’n. Tapos no’ng may nangyari po sa amin, sobra po akong natakot no’n. Kasi nga, first time ko sa lahat, e,” saad ni Apple.

“Unang-unang kinuwento ko lang sa bestfriend ko na masaya ako na kinakabahan. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung itutuloy ko ba ‘yon. Kasi kakahiwalay ko lang no’n sa relasyon kong eight years,” wika pa niya.

Human-Interest

Pagsasabit ng pagkain para sa mga walang makain sa ibang bansa, uubra ba sa Pinas?

Pero kalaunan, nagkahiwalay din umano silang dalawa dahil sa mga batikos at diskriminasyong natanggap mula sa mga taong nasa paligid nila.

Ayon kay Apple, masyado raw siyang naapektuhan sa sinasabi ng ibang tao. Bukod sa natakot umano siya, hindi rin daw siya sanay sa pagsasama nila ni Kim.

“Nagkakasama po kami pero parang ‘di pa rin ako komportable,” aniya.

Gayunman, nauwi rin naman sa kasalan ang kanilang pagsasama noong Setyembre 1. Bukod pa dyan, walong buwan na ring nagdadalang-tao si Apple sa ikalawa nilang anak ni Kim.