September 17, 2024

Home BALITA National

'Nahuli na si Pastor Quiboloy!'—Abalos

'Nahuli na si Pastor Quiboloy!'—Abalos
Photo courtesy: Benhur Abalos (FB)

Nahuli na si KOJC founder Pastor Apollo Quiboloy, ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos nitong Linggo, Setyembre 8.

"Nahuli na si Pastor Quiboloy!" mababasa sa facebook post ni Abalos, bandang 6:23 ng gabi ngayong Linggo, Setyembre 8. 

Kalakip ng post ang larawan ni Abalos, si Quiboloy, at ang kaniyang legal counsel na si Atty. Israelito Torreon. 

Benhur Abalos - Nahuli na si Pastor Quiboloy! | Facebook

National

Gatchalian kay Guo: 'See you tomorrow, sana magsabi ka na ng totoo!'

Sa isa pang kasunod na post ay inulit ni Abalos na nahuli na si Quiboloy.

Benhur Abalos - NAHULI NA PO SI APOLLO QUIBOLOY. | Facebook

Samantala, wala pang mga detalye kung paano nasukol ang higit na isang linggo na ring pinaghahanap na pastor.