November 26, 2024

Home BALITA National

Enteng, patuloy na kumikilos pa-west northwest sa WPS

Enteng, patuloy na kumikilos pa-west northwest sa WPS
Courtesy: PAGASA/FB

Patuloy na kumikilos ang Tropical Storm Enteng pa-west northwest sa West Philippine Sea (WPS) sa bilis na 20 kilometers per hour, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Martes ng umaga, Setyembre 3.

Sa tala ng PAGASA dakong 8:00 ng umaga, huling namataan ang bagyong Enteng sa coastal waters ng Laoag City, Ilocos Norte.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometers per hour malapit sa sentro, at pagbugsong aabot sa 115 kilometers per hour.

Nakataas sa Signal No. 2 ang mga sumusunod na lugar sa Luzon:

National

‘What kind of country is this?’ VP Sara, pinuna ‘di raw pag-aksyon ng gov’t sa banta sa kaniya

- Ilocos Norte

- Northern portion ng Ilocos Sur (Sinait, Cabugao, San Juan, Magsingal, Santo Domingo, San Ildefonso, San Vicente, Santa Catalina, City of Vigan, Bantay, Santa, Caoayan)

- Apayao

- Abra

- Northern at western portions of Kalinga (Balbalan, Pinukpuk, Lubuagan, Pasil)

- Western portion ng Mainland Cagayan (Piat, Santo Nino, Camalaniugan, Tuao, Pamplona, Rizal, Claveria, Lasam, Aparri, Ballesteros, Abulug, Allacapan, Sanchez-Mira, Santa Praxedes) kabilang na ang Babuyan Islands (Dalupiri Is. at Fuga Is.)

Nakataas naman sa Signal No. 1 ang mga sumusunod:

- Mga natitirang bahagi ng Ilocos Sur

- Northern portion ng La Union (Luna, Santol, San Juan, Bagulin, Bangar, San Gabriel, Bacnotan, Sudipen, Balaoan, City of San Fernando)

- Mga natitirang bahagi ng Kalinga

- Mountain Province

- Ifugao

- Northern portion ng Benguet (Mankayan, Kapangan, Atok, Kabayan, Kibungan, Bakun, Buguias) 

- Batanes

- Mga natitirang bahagi ng Mainland Cagayan

- Mga natitirang bahagi ng Babuyan Islands

- Northern at western portions ng Isabela (Divilacan, Santo Tomas, Alicia, San Mateo, Aurora, Santa Maria, Quezon, Ramon, Naguilian, Roxas, Luna, Delfin Albano, City of Cauayan, San Pablo, Ilagan City, Angadanan, Benito Soliven, City of Santiago, Tumauini, Cabagan, Reina Mercedes, San Manuel, Cabatuan, Quirino, Gamu, San Isidro, Mallig, Cordon, Maconacon, Burgos)

- Northern portion ng Nueva Vizcaya (Ambaguio, Bagabag, Villaverde, Diadi, Solano)

Ayon sa PAGASA, inaasahang patuloy na kikilos ang bagyong Enteng pakanluran hilagang-kanluran sa susunod na 24 oras, saka ito kikilos pakanluran sa WPS simula bukas ng Miyerkules, Setyembre 4, hanggang sa marating nito ang Hainan, China sa Sabado, Setyembre 7.

Samantala, inaasahang lalakas pa ang bagyo at itataas sa “severe tropical storm” category ngayong Martes ng tanghali o gabi, at sa “typhoon” category pagsapit ng Huwebes, Setyembre 5. 

Posible raw na lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo bukas ng umaga.