November 23, 2024

Home BALITA National

Trillanes kay ex-Pres. Duterte: 'Ungas!'

Trillanes kay ex-Pres. Duterte: 'Ungas!'
Photo courtesy: via MB/Balita

Malutong na "ungas" ang pinakawalan ni dating Sen. Antonio "Sonny" Trillanes IV kay dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa lumabas na magkataliwas na pahayag niya hinggil sa warrant of arrest o pag-aresto sa isang nasasakdal.

Matatandaang pinalagan ni Duterte ang ginawang paglusob at paghalughog ng kapulisan sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound sa Davao City para dakpin ang founder nitong si "appointed Son of God" Pastor Apollo Quiboloy, na akusado sa patong-patong na kaso.

Nirepost ni Trillanes sa kaniyang X account ang isang quote card na mababasa umano ang pahayag ni Duterte noong 2017 na "If I have to arrest you without a warrant, I will arrest you without a warrant, with or without martial law."

Sinabi ito ng dating pangulo sa harapan ng media noong Hulyo 21, 2017 pagkatapos ng investment forum sa Davao City. 

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ipinagkumpara ito sa bahagi ng opisyal na pahayag ni Digong sa pagkondena niya sa mga pulis na lumusob sa KOJC compound nito lamang Agosto 24, 2024. 

"Our country has never been in a tragic state as it is. Rights have been trampled upon and our laws, derided," mababasa rito.

Caption ni Trillanes sa kaniyang X post, "Ungas!"

Maging si dating Senador Leila De Lima ay nag-react din sa panawagan ni Duterte patungkol dito.

"What is illegal about enforcing valid arrest warrants? At sa'yo pa talaga nanggaling ito? Kapal ng mukha! Bakit hindi ka na lang tumulong sa mga awtoridad?!" mababasa sa X post ng dating mambabatas.

MAKI-BALITA: De Lima sa pahayag ni ex-Pres. Duterte: 'Sa'yo pa talaga nanggaling ito, kapal ng mukha!'

Matatandaang si De Lima ay isa sa mga kritiko ni dating Pangulong Duterte, at kamakailan lamang ay nakalaya at naabsuwelto na siya sa mga kaso matapos masangkot sa ilegal na droga, sa panahon ng administrasyon ng dating pangulo.