September 18, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Gerald, 'silent supporter' nina Julia at Joshua

Gerald, 'silent supporter' nina Julia at Joshua
Photo Courtesy: Gerald Anderson, Julia Barretto (IG)

 Nagbigay ng reaksiyon si Kapamilya actor Gerald Anderson sa pagbabalik-tambalan ng jowa niyang si Julia Barretto at ex-boyfriend nitong si Joshua Garcia sa reunion movie nilang “Un/Happy For You.”

Sa panayam kasi ng mga media personnel, naitanong kay Gerald kung pumunta raw siya sa premiere ng nasabing pelikula.

Ayon kay Gerald: “Hindi na. I'm here as silent supporter. Grabe, alam kong pinaghirapan niya 'yon.  Gano'n, e. It's been like this na naging okay kami for so many years is because sinusuportahan namin ang isa't isa.” 

"I try to be as supportive as possible. I don't want to steal the spotlight. Pinaghirapan nila 'yan, e. And I know how hard it is to work on a movie na gustong mapanood ng tao. So, you just give it to her," dugtong pa niya.

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

Matatandaang nauna nang ihayag ni Gerald ang kaniyang suporta kina Joshua at Julia nang sumalang siya sa isang panayam noong Mayo 2024.

MAKI-BALITA: Gerald, suportado comeback movie nina Joshua at Julia

“It's exciting para sa mga fans nila, siyempre 'di ba? I'm not sure ilang years ago sila huling nagkasama. But I'd been in that situation. Alam ko na marami silang mapapasaya na fans nila,” aniya.

Samantala, mukhang tagumpay naman ang pelikula ng dalawa sapagkat ayon sa latest update ng Star Cinema, umabot na raw sa ₱65 million ang total gross ng “Un/Happy For You” sa loob lang ng tatlong araw.