September 20, 2024

Home SPORTS

Hidilyn Diaz, proud kay Aira Villegas

Hidilyn Diaz, proud kay Aira Villegas
Photo Courtesy: Hidilyn Diaz (FB)

Nagbigay ng mensahe si Olympic gold medalist Hidilyn Diaz-Naranjo kay Filipina Boxer Aira Villegas matapos nitong masungkit ang tansong medalya sa Paris Olympics 2024.

Sa Facebook post ni Hidilyn nitong Miyerkules, Agosto 7, sinabi niya na proud umano siya kay Aira at panalo raw ang comeback nito.

“Lagi mong sinasabi: dasal sa Panginoon, tiwala sa sarili. Oo comeback mo ito! At ang galing mo!” saad ni Hidilyn.

“Inilaban mo hindi lang ang sarili mo kundi pati sina Eumir at Carlo na alam nating deserve ding manalo! Inilaban mo ang bansa natin, salamat!” aniya.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Pahabol pa ni Hidilyn: “Panalo ang comeback mo! Proud sa iyo ang Ate Haidie mo!”

Matatandaang sa isang panayam kay Aira ay humingi siya ng pasensya sa lahat ng Pilipinong napuyat sa pagsubaybay sa laban niya.

“Sa lahat po ng Pilipino na, again, napuyat. I’m sorry, guys. Nakapag-uwi po ako ng medal. Sana po proud pa rin kayo sa akin,” aniya.

Bukod kay Aira, nauna nang nagpaabot ng pagbati si Hidilyn sa two-time Olympics gold medalist at Filipino pride gymnast na si Carlos Yulo kamakailan.

MAKI-BALITA: Dalawang gold medalists: Hidilyn Diaz, nagpaabot ng pagbati kay Carlos Yulo