November 24, 2024

Home BALITA National

Inflation, 'most urgent concern' na dapat pagtuunan ng PBBM admin -- OCTA

Inflation, 'most urgent concern' na dapat pagtuunan ng PBBM admin -- OCTA
Courtesy: Pangulong Bongbong Marcos/FB

Sa nalalapit na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., lumabas sa survey ng OCTA Research na ang inflation ang nananatiling “most urgent national concern” ng mayorya sa mga Pilipino na dapat daw pagtuunan ng administrasyon.

Base sa 2nd quarter ng “Tugon ng Masa” survey ng OCTA, 65% ng mga Pinoy ang nagsabing ang pagkontrol sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin ang dapat unahing tugunan ng administrasyong Marcos.

Sinundan naman ito ng pagkakaroon ng access sa mga abot-kayang pagkain tulad ng bigas, gulay, at karne (40%), pagtaas ng sahod ng mga manggagawa (33%), paglikha ng mas maraming trabaho (33%), at ang pagbawas sa kahirapan (28%).

Bukod dito ay kasama rin sa mga isyung dapat umanong pagtuunan ng pansin ng kasalukuyang administrasyon ay ang pagkakaloob ng libre at de-kalidad na edukasyon (18%), paglaban sa korapsyon sa pamahalaan (17%), pagdepensa sa West Philippine Sea (15%), paglaban sa kriminalidad (11%), at pagsusulong ng kapayapaan at kaayusan sa bansa (10%).

National

OFW sa Middle East, panalo ng ₱37M sa Super Lotto

Isinagawa raw ang naturang survey mula Hunyo 26 hanggang Hulyo 1, 2024 sa pamamagitang ng face-to-face interviews sa 1,200 respondents na 18 pataas ang edad.

Nakatakda namang ganapin ang SONA ni Marcos sa Lunes, Hulyo 22, sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City.