September 06, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Arci Muñoz, handang iwan ang career para sa pag-ibig?

Arci Muñoz, handang iwan ang career para sa pag-ibig?
Photo Courtesy: Screenshot from GMA Network (YT)

Nausisa ang aktres na si Arci Muñoz tungkol sa kung ano ang higit na matimbang sa kaniya sa pagitan ng love at career.

Sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan, sinabi niya na hindi naman umano niya kailangang iwan ang isa kung kaya namang pagsabayin pareho.

“I think naman po if it’s the right person and the right time, everything will fall into place,” saad ni Arci.

“I mean I can still do what I want with my career and also continuously do what I love which is my career, which is acting and traveling, and all those things with my partner.

Relasyon at Hiwalayan

EJ Obiena, handa nang lumagay sa tahimik?

So for sure, he’ll understand. 

Kaya naman biglang kumambyo si Boy dahil sa sagot ni Arci: “Tama naman,” sabi niya. “Actually the question is wrong. You can actually balance. You can do all. Bakit isa lang?” 

Sinang-ayunan naman ito ni Arci dahil ang buhay niya ay napakaraming persona na minsan nga raw ay nalilito na siya.

“Hindi ko na alam kung sinong kakausapin ko sa gabi, ‘di ba? May rakista, may artista, may BTS, may cosplayer. Hindi ko nga alam, Tito, pati ako nalilito na.”

Samantala, sa isang bahagi naman ng panayam ay ibinahagi ni Arci ang tungkol sa nawala niyang credit card noon sa eroplano.

MAKI-BALITA: Nawalang credit card ni Arci Muñoz sa eroplano, 'di pa rin nareresolba