November 23, 2024

Home BALITA National

2 LPA, namataan sa loob ng PAR -- PAGASA

2 LPA, namataan sa loob ng PAR -- PAGASA
Courtesy: PAGASA/FB screengrab

Dalawang low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR) ang binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Biyernes, Hulyo 19.

Sa Public Weather Forecast ng PAGASA dakong 4:00 ng madaling araw, iniulat ni Weather Specialist Aldczar Aurelio na huling namataan ang unang LPA sa layong 135 kilometro sa West Southwest ng Calapan City, Oriental Mindoro sa West Philippine Sea.

Inaasahan daw na magdadala ang naturang LPA ng mga kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Northern Palawan at Occidental Mindoro. Bukod dito ay inaasahang magdudulot din ang trough ng LPA ng mga kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, Bicol Region, Western Visayas, at mga natitirang bahagi ng MIMAROPA.

Posibleng lumabas ng PAR ang LPA pagdating ng Sabado, Hulyo 20, ayon kay Aurelio.

National

VP Sara, wala raw dahilan para patayin si PBBM: ‘Buti kung tagapagmana ako ng nakaw na yaman!’

Samantala, huling namataan ang nabuong ikalawang LPA sa loob ng PAR 880 kilometro ang layo sa silangan ng Eastern Visayas. Sa kasalukuyan ay wala naman daw itong epekto sa alinmang bahagi ng bansa.

Bukod sa dalawang LPA ay inihayag ng PAGASA na patuloy pa rin ang pag-iral ng southwest monsoon o habagat sa bansa, kung saan inaasahan daw itong magdadala ng mga kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Mindanao at mga natitirang bahagi ng Visayas.

Pulo-pulong mga pag-ulan o thunderstorms din ang posibleng maranasan sa mga natitirang bahagi ng Luzon dahil naman sa localized thunderstorms.