December 23, 2024

Home BALITA National

Habagat, magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa

Habagat, magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa
Courtesy: PAGASA/FB

Habagat, magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa

Inaasahang magdudulot ng pag-ulan ang southwest monsoon o habagat sa malaking bahagi ng bansa ngayong Biyernes, Hulyo 12, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa tala ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, malaki ang tsansang magdudulot ang habagat ng maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Mindanao, Western Visayas, Palawan, at Occidental Mindoro.

Posible ang pagbaha o kaya nama’y pagguho ng lupa sa mga nasabing lugar tuwing magkakaroon ng malalakas na pag-ulan.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Bukod dito, inaasahan ding magdulot ang habagat ng medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang pulo-pulong pag-ulan o thunderstorms sa Metro Manila, mga natitirang bahagi ng MIMAROPA, Batangas, Cavite, at Laguna.

Samantala, medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulo-pulong pag-ulan o thunderstorms din ang posibleng maranasan sa mga natitirang bahagi ng bansa dahil naman ng localized thunderstorms.

Pinag-iingat din ang mga residente sa mga naturang lugar sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms.

Sa kasalukuyan ay may binabantayan din ang PAGASA na cloud clusters sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR), kung saan hindi raw inaaalis ang posibilidad na may mabuong low pressure area (LPA) mula rito.