January 22, 2025

Home FEATURES Human-Interest

ALAMIN: Limang pagkaing pampagana sa kama

ALAMIN: Limang pagkaing pampagana sa kama
Photo Courtesy: Freepik

Mahalagang bahagi ng romantikong relasyon ang sex o pakikipagtalik lalo na sa mag-asawa. Pinagtitibay nito ang pagmamahalang nabuo sa loob ng ilang taon. 

Kaya ang kawalan ng gana sa kama ay isang balidong problema na kailangang solusyunan. Maaaring simulan ito sa pagkonsumo ng limang pagkaing nasa ibaba upang maibalik ang pagnanasang nawala.

1. Oysters

Ayon sa isang online article ng Healthline, ang oysters ay mayaman sa zinc na nakakatulong upang mapalakas ang daloy ng dugo sa mga sex organ. 

Human-Interest

Una at pinakabatang Pinoy na nakalibot sa buong mundo, may payo sa future travelers: 'Learn Skills!'

Mahalaga rin umano ang zinc sa fetility ng mga lalaki para ma-regulate ang testosterones level. Dahil kung may zinc deficiency daw ang isang tao, malaki ang posibilidad na magkaroon ito ng negatibong epekto sa kaniyang testosterones level.

2. Pakwan

Ayon kay Doc Willie Ong, may component o sangkap umano ang pakwan na lumilikha ng arginine na pinapabuka at pinapa-relax ang mga ugat sa katawan ng tao. 

“Itong arginine, pinapabuka [at] pinapa-relax ‘yong mga ugat natin sa katawan. Kasama na ‘yong ugat do’n sa male organ,” aniya.

Dagdag pa niya: “Kaya ‘yong epekto ng pakwan ay medyo kahalintulad sa epekto ng viagra.” 

3. Sili

Nagtataglay ang sili ng tinatawag na capsaicin na nakakatulong umano para makaramdam ng init ang isang tao at bumilis ang daloy ng kaniyang dugo na magiging dahilan ng paninigas ng ari niya. 

Kaya minsan, kung mapapansin, kapag kumain daw ng maaanghang na pagkain, naipagkakamali na nakakaramdam ang isang tao ng sexual arousal.

4.Salmon

Ang matatabang isdang tulad ng salmon ay mataas sa omega-3 fatty acids na responsable sa pagpo-produce ng dopamine. Ito ay kilala bilang “feel-good” hormone na nagbibigay sa tao ng sense of pleasure lalo na sa mga pagkakataong naaabot ang rurok ng kaluwalhatian.

"It also elevates mood, and more relaxed people are in the mood for sex more often," saad ng sex expert at yogi na si Psalm Isadora.

5. Mansanas

Sa isang pag-aaral umano noong 2014, lumilitaw na ang pagkain ng mansanas ay may kaugnayan sa pagkakaroon ng magandang sex life ng kababaihan. Nakapagbibigay daw kasi ang phloridzin na matatagpuan sa mansanas ng higit na libog, sexual function, at lubrication o pampadulas.

Minsan, ang ugat ng maraming problema ay nasa mga pagkaing kinokonsumo ng tao sa araw-araw. Kaya ngayong Buwan ng Nutrisyon, suriin ang estado ng kalusugan.

Matatandaang itinalaga ang Hulyo bilang Buwan ng Nutrisyon ayon sa atas ng Presidential Decree No.491 noong 1974. 

Pangunahing layunin nito na magbigay ng kamalayan sa bawat Pilipino hinggil sa angkop na diyeta upang makamit ang isang malusog na pamumuhay.

Naatasan ng ehekutibong sangay para sa pagdiriwang na ito ang National Nutritional Council o NNC na nasa ilalim ng Department of Health.