December 23, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Jak Roberto, mature humawak ng relasyon

Jak Roberto, mature humawak ng relasyon
Photo Courtesy: Barbie Forteza (IG)

Inilarawan ni “That Kind of Love” star Barbie Forteza kung paano mag-handle ng relationship ang jowa niyang si Jak Roberto.

Sa latest episode kasi ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Biyernes, Hulyo 5, ay naitanong kay Barbie kung naniniwala ba siya sa 7-year itch. Ang 7-year itch ay isang sikat na paniniwala na ang relasyon o marriage daw na umaabot sa pitong taon ay nawawalan ng saya o romansa.

“Hindi po. And napatunayan ko rin naman,” saad ni Barbie. “Ang laking factor po kasi na ang mature mag-handle ng relationship ni Jak,” saad ni Barbie.

“So, ‘yong ugali ko na-tolerate niya. Ako, feeling ko kasi, mayro’n akong pagka-alpha. So, parang pagdating sa relationship namin, napapatiklop ako no’ng Jak, e. Hindi ko alam kung bakit pero parang gano’n,” wika niya.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Dagdag pa ng aktres: “Kasi kapag po mayro’n kaming matter na pinag-uusapan. Ta’s parang as an alpha, feeling ko lagi tama ako. Ta’s bigla niya akong kakalmahin muna. Hindi ‘yong sasabayan niya ‘yong level of emotion ko, kakalmahin muna niya ako, and then ipo-point niya ‘yong gusto niyang sabihin. Tapos mare-realize ko: ‘ay, oo nga ‘no.’”

Samantala, ayon naman kay Barbie, ang pinaka-challenging part naman ng kanilang relasyon sa loob ng pitong taon ay ang magkaroon ng quality time.