October 05, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Anak ni Ogie Diaz, 'jinowa' si Bimby

Anak ni Ogie Diaz, 'jinowa' si Bimby
Photo Courtesy: Screenshots from Erin Diaz (YT)

Kumasa ang anak ni Queen of All Media na si Bimby sa pakulo ng anak ni showbiz insider Ogie Diaz na si Erin Diaz.

Sa latest episode ng vlog ni Erin nitong Huwebes, Hulyo 4, matutunghayan na ginawa nila ni Bimby ang “Boyfriend For A Day” challenge. 

Ayon kina Bimby at Erin, nakatakda silang pumunta nang magkasama sa Disneyland at Disney California Adventure Park.

“Thank you, Bimb,” sabi ni Erin para sa pagpatol nito sa pakulo niya.

Relasyon at Hiwalayan

Jericho Rosales, ibinahagi sweet 'birthdate' ni Janine Gutierrez

“Welcome. Of course, ikaw pa, Ate Erin,” tugon ni Bimby.

Pero pinagsabihan siya ni Erin na tawagin na lang siya sa pangalan niya at tanggalin na ang “ate.”

“Erin na lang?” paniniyak pa ni Bimby.

Nakangiting tumango si Erin.

“O, honey na lang,” sabay akbay sa anak ni Ogie na dahilan para pareho silang matawa.

Dahil sa ka-sweet-an ng dalawa, maraming netizens ang natuwa sa kanilang vlog. Narito ang ilan sa kanilang mga reaksiyon:

"Ang cute nyong dalawa while nanood ako sa vlog nyo nka smile ako "

"Ang gwapo talaga ni Bimbi. Ang swerte ang maging girlfriend niya ot maging future wife. Ang swerte ni Miss Kris."

"Wow! kinilig ako  may chemistry kayong dalawa erin and bimby...Subrang bait din ni bimby."

"Hala may chemistry kayo dalawa  ang kulet ni bimby "

"hang cute nyong dalawa naman.."

"Ay kinilig ako kay Bimby guapo at mabait, Good job Kris for raising a Good gentleman. swerte ng magiging jowa ni Bim."

"I was smiling the whole time. OMg bat ako kinilig. Bagay sila sobra."

Matatandaang personal na kinapanayam ni Ogie si Kris sa tinitirhan nito sa California para itampok sa latest vlog nito na “Ogie Diaz Inspires” na ngayon ay mahigit tatlong milyong views na.