January 22, 2025

Home BALITA National

₱6.352-trillion national budget para sa 2025, aprub kay PBBM

₱6.352-trillion national budget para sa 2025, aprub kay PBBM
MB PHOTO BY NOEL PABALATE

Inaprubahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang ₱6.3520-trillion national expenditure program (NEP) para sa susunod na taon, 2025. 

Ayon sa ulat ng Manila Bulletin, sinabi ni Marcos na dapat unang paglaanan ng pondo sa susunod na taon ay may kinalaman sa food security, social protection, healthcare, housing, disaster resilience, infrastructure, digital connectivity, at energization.

Iprinisenta ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman ang panukalang national budget para sa 2025 sa isinagawang Cabinet meeting nitong Martes, Hulyo 2.

“You see a really good thing,” saad ni Marcos. “Since I’ve seen it before on the macro level, I think the priorities in terms of our proposed appropriations, upon addressing it, weighted our priorities properly in terms of appropriations."

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

Sa ilalim ng aprubadong NEP, makakakuha ng malaking pondo ang Department of Education, Commission on Higher Education, State universities and colleges; Department of Public Works and Highways, PhilHealth, Department of the Interior and Local Government, at Department of National Defense.

Bibigyan din ng prayoridad ang iba pang ahensya ng gobyerno kagaya ng Department of Social Welfare and Development, Department of Agriculture, Department of Agrarian Reform, Department of Transportation, at ang judiciary.