July 08, 2024

Home SHOWBIZ

Bimby, babalik na sa Manila para mag-aral

Bimby, babalik na sa Manila para mag-aral
Photo Courtesy: Screenshot from Ogie Diaz (YT)

Ibinahagi ng anak ni Queen of All Media Kris Aquino na si Bimby na sa Pilipinas na raw niya ipagpapatuloy ang kaniyang pag-aaral.

Sa latest episode kasi ng vlog ni showbiz insider Ogie Diaz noong Sabado, Hunyo 29, naitanong niya kay Bimby ang tungkol sa pag-aaral nito.

“Paano ‘yong schooling mo? Dahil alam naman natin na si Bimby talagang nakadikit lagi sa mama niya, e. So, paano mo hahatiin naman ‘yong katawan mo dahil kailangan mo namang mag-enroll?” tanong ni Ogie.

“Actually, Tito Ogie, kasi now I’m homeschooling now,” sagot ni Bimby. 

Tsika at Intriga

BINI Aiah, nagsalita na tungkol sa isyu ng personal space at privacy

“And syempre maraming distraction dito. So I need to go back home in order to finish talaga na focus na focus talaga. You know, sabi ni Mama: ‘It’s time for you to be a normal highschooler,’” wika niya. 

“So, sa Manila ka na ulit?” usisa ulit ni Ogie.

Tugon ni Bimby: “Oo, pero si Kuya Josh kasi goes back and forth to Manila from Tarlac. So syempre naman I have to make him bantay sometimes. So pabalik-balik naman.“

Kaya naman sa oras na bumalik na sa Pilipinas si Bimby ay araw-araw silang magbi-video call ng ina niyang si Kris. 

Samanatala, sa isang bahagi ng panayam, isiniwalat din ni Kris ang tungkol plano niyang pagbalik sa Pilipinas.

MAKI-BALITA: Gumagaling na? Kris Aquino, binabalak nang umuwi sa Pinas