November 23, 2024

Home BALITA National

VP Sara, itinangging siya ang bagong 'opposition leader'

VP Sara, itinangging siya ang bagong 'opposition leader'
Courtesy: VP Sara Duterte/FB

Itinanggi ni Vice President Sara Duterte na siya na ang bagong lider ng oposisyon matapos niyang magbitiw kamakailan bilang miyembro ng gabinete ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa isang panayam ng mga mamamahayag nitong Sabado, Hunyo 29, na inulat ng Manila Bulletin, sinabi ni Duterte na wala sa pagkatao niya ang gumalaw para sa “anumang politika”, dahil nakabase umano ang kaniyang bawat pagkilos sa ikabubuti ng kaniyang mga kababayan.

“Hindi kasi ako, sa trabaho ko, sa pagkatao ko, at saka sa prinsipyo ko, hindi ako gumagalaw for the administration, opposition, o kung anumang politika na ‘yan,” ani Duterte.

“Ang galaw ko ay base sa kung ano ‘yung makakatulong sa ating mga kababayan at kung ano ‘yung karapat-dapat,” dagdag niya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ayon pa sa bise presidente, mas nais niyang pagtuunan ng pansin sa kasalukuyan ang “pag-turn over” ng Department of Education (DepEd).

“Ang gawa natin ngayon ay ito, ang pagtutok sa transition, turn over ng Department of Education, at ang ating pagpapatuloy ng mga proyekto sa ilalim ng Pangalawang Pangulo ng Pilipinas,” ani Duterte.

Matatandaang noong Hunyo 19, 2024 nang magbitiw si Duterte bilang kalihim ng DepEd at vice chair ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

MAKI-BALITA: VP Sara, walang inirekomenda kay PBBM na kapalit niya bilang DepEd chief

Matapos nito, iginiit naman ng kaalyado ni Duterte na si dating Presidential Spokesperson Harry Roque na ang naturang pagbibitiw daw niya sa gabinete ni Marcos ang hudyat na nalusaw na ang kanilang grupo noong 2022 national elections na “UniTeam.”

Ayon pa kay Roque, si Duterte na umano ang magiging lider ng oposisyon.

“Uniteam has formally been dissolved and she has just become the leader of the opposition,” giit ni Roque kamakailan.

MAKI-BALITA: UniTeam, dissolved na! Harry Roque nag-react sa pagbibitiw ni VP Sara

Samantala, kinondena rin ng Liberal Party (LP) kamakailan ang naturang pahayag ni Roque tungkol sa umano’y pagiging lider ng oposisyon ni Duterte.