Nausisa ang tinaguriang “Pambansang Ginoo” na si David Licauco kung siya ba ay maginoo pero may konting pagkabastos.

Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Martes, Hunyo 25, hiningan ni Boy si David ng reaksiyon kaugnay sa ibinansag sa kaniyang “Pambansang Ginoo.”

“May pressure pa ba? You know, with the expectation that comes with it, nape-pressure ka ba when you called ‘Pambansang Ginoo?’” usisa ni Boy.

“I think…it’s a pressure field name. Hindi ko rin alam kung bakit ako tinawag na ‘Pambansang Ginoo.’ But of course kung sino nga ‘yong tawag sa akin, I have to…kailangan kong ipakita na, alam mo ‘yon, maging good example sa mga tao,” tugon ni David.

'Only legends know!' Sagot ni David Licauco sa 'Family Feud,' kinaaliwan

Sundot naman ni Boy: “Pero may mga panahon ba na ikaw ay maginoo pero konting bastos?” 

“Siguro ‘pag minsan,” sagot ni David sabay tawa.

Matatandaang kinaaliwan si David noong Enero matapos niyang sagutin ang tanong sa “Family Feud Philippines” tungkol sa mga kilalang “Maria.”