Inaasahang makararanas ng maaliwalas at mainit na panahon ang buong bansa ngayong Huwebes, Hunyo 13, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa tala ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, malaki ang tsansang magdudulot ang easterlies, o ang mainit na hanging nagmumula sa karagatang Pasipiko, ng mainit na panahon na may tsansa ng maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Davao Oriental, Davao Occidental, South Cotabato, Sarangani, Sultan Kudarat, at Zamboanga Sibugay.

Posibleng ring makaranas ang Caraga at mga natitirang bahagi ng Davao Region ng mainit na panahon, kung saan magiging medyo maulap hanggang sa maulap ang kalangitan at may tsansa ng pulo-pulong kalangitan dahil din sa easterlies.

Samantala, ayon sa PAGASA, inaasahan din ang mataas na temperatura sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa, maliban na lamang din daw sa tsansa ng pulo-pulong mga pag-ulan o thunderstorms na dulot naman ng localized thunderstorms.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Batanes

Sa kasalukuyan ay wala namang binabantayan ang PAGASA na bagyo o low pressure area (LPA) sa loob man o labas ng Philippine area of responsibility (PAR).