Niyanig ng magnitude 4.7 na lindol ang probinsya ng Palawan nitong Martes ng hapon, Hunyo 11, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 2:58 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 99 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Roxas, Palawan, na may lalim na 15 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

Kahit nagpapagaling: Doc Willie Ong, pinapanalanging maging maayos na sina PBBM at VP Sara

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.