Naglabas ng sentimyento ang Vivamax actor na si Nico Locco kaugnay sa isang taong ginagawang katatawanan ang iba para para makapagpasaya.

Sa Instagram story ni Nico nitong Huwebes, Hunyo 6, sinabi niyang pagod na raw siyang makita nang paulit-ulit ang gano’ng paraan ng pagpapatawa.

“If you have to make fun of people and take personal shots at them palagi to make people laugh, it's sooo not funny. Para sa akin, it's simply a lack of intelligence and creativity. I'm so tired of seeing it paulit-ulit on tv,” saad ng Vivamax actor.

“I won't mention the show or network that repeatedly does it pero, yeah, you know what I mean. Belittling someone to make people laugh doesn't make you a comedian. It makes you a bully,” aniya.

Tsika at Intriga

Jessy niresbakan bashers ng pagsabak ni Luis sa politika

Dagdag pa ni Nico: “I would love to see that specific person jump into their shoes for once para maramdaman niya what it feels like. Siguro he or she wouldn't be laughing anymore.”

Matatandaang kamakailan lang ay naging usap-usapan ang kontrobersiyal na isyu sa segment ng “It’s Showtime” na “EXpecially For You” matapos bawiin ni Vice ang isa niyang tweet na nagsasabing hihingi siya ng paumanhin sa lalaking searchee dahil sa pag-aakalang hindi umano na-offend ang babaeng searcher na sinunggaban nito ng halik.

MAKI-BALITA: Vice Ganda, binawi ang apology sa searchee na nanunggab ng halik

MAKI-BALITA: Vice Ganda magso-sorry sa sinitang searchee matapos manunggab ng halik

Samantala, minsan na ring nag-guest si Nico noong Mayo sa naturang segment kasama ang ex-jowa niyang si Christine Bermas, na isa ring Vivamax artist.

Photo Courtesy: Screenshot from Nico Locco (IG)