Isang ginang ang pinatay umano ng kaniyang live-in partner sa gitna ng kanilang pagtatalo na bunsod umano ng matinding selos, sa Binangonan, Rizal, nitong Huwebes ng gabi.

Batay sa ulat ng Binangonan Municipal Police Station, dakong alas-11:00 ng gabi ng Hunyo 6, nang maganap ang krimen sa loob ng kanilang tahanan sa Binangonan.

Metro

Iskedyul para sa Undas, maagang inilabas ng Manila North Cemetery

Nauna rito, nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang magkasintahan, sinasabing bunsod umano ng matinding selos.

Dito na umano kumuha ang suspek ng balisong at paulit-ulit na itinarak sa iba’t-ibang bahaging katawan ng biktima, bago tumakas ngunit nadakip din sa follow-up operation.

Tinangka pa ng mga doktor ng Angono General Hospital na isalba ang biktimang ‘di tinukoy ang pagkakilanlan, ngunit binawian din ng buhay dakong alas-11:45 ng gabi.

Samantala, arestado naman ang suspek na si alyas “Fernando”, nasa hustong gulang.