Nakataas sa Alert Level 2 ang Bulkang Kanlaon ngayong Martes ng umaga, Hunyo 4, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa pagmamanman ng Phivolcs, nakapagtala sila ng anim na minutong explosive eruption mula sa Kanlaon at 43 volcanic earthquakes.
Paalala ang ahensya, maaari maganap ang biglaang pagputok ng steam o phreatic explosions.
Ipinagbabawal din ang pagpasok sa apat na kilometrong radius Permanent Danger Zone, at paglipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan.
Matatagpuan ang Bulkang Kanlaon sa Negros Occidental at Negros Oriental.