Ano nga ba ang “dinudutdot” ng mag-asawang Alex Gonzaga at Mikee Morada bago sila matulog sa gabi?

Sa latest episode ng vlog ni Alex nitong Linggo, Hunyo 2, ibinahagi nila ni Mikee ang kanilang ginagawa bago mahiga sa kama. 

Tampok kasi sa naturang vlog ang pakulong “Married Couple Test” kasama ang mag-asawang Toni Gonzaga at Paul Soriano para subukin kung gaano ba nila kakilala ang kani-kanilang asawa.

At sa isang bahagi ng vlog, naitanong ang “what does your partner always do before bed?” sa kanilang apat. 

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

Magkaiba ang naging sagot ng mag-asawang sina Toni at Paul. Ayon kay Toni, nagcha-chapstick muna siya. Kay Paul naman, blow dry hair.

Samantala, ayon kina Alex at Mikee, nagse-cellphone daw muna sila bago matulog.

“Ito si Mikee, cellphone. Tapos may pinapanood sa Vivamax,” saad ni Alex.

Hirit naman ni Paul: “Tapos ginagaya n’yo?”

“Nakalagay [sa message]: ‘gayahin natin.’ Sine-send sa reel. ‘May sinend ako sa ‘yo,’” sabi pa ni Alex.

‘Apakasinungaling mo,” wika ni Mikee na ikinatawa naman ni Alex.

Matatandaang sa isang vlog ni Alex kamakailan ay matutunghayan din ang mga pilya niyang hirit sa mister nang mamiyesta sila sa isang barangay sa Lipa City, Batangas.

MAKI-BALITA: Alex Gonzaga, gabi-gabing nilalawayan ni Mikee Morada

MAKI-BALITA: Mikee Morada, mas bet tahong ni Alex kaysa kay ‘Carla’