Patay ang isang lalaking lasing matapos na malunod nang tumalon sa isang falls sa Rizal ngunit minalas na maumpog at mawalan ng malay.

Wala nang buhay ang biktimang si alyas ‘Emil’ nang matagpuan at maiahon ng kanyang mga kasama.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Batay sa ulat ng Antipolo City Police, nabatid na dakong alas-6:30 ng gabi ng Martes nang maganap ang insidente sa Kawa falls sa River Manabtak, Sitio San Joseph, Brgy. San Jose, sa Antipolo City, ngunit nitong Miyerkules lamang ng hapon ito naireport sa kanilang tanggapan.

Sa salaysay ni Florencio na kapatid ng biktima, nabatid na nasa ilalim ng impluwensiya ng alak ang biktima nang maisipan umano nitong mag-dive sa Kawa Falls ngunit minalas na tumama ang ulo sa matulis na bato sa ilalim ng tubig.

Dahil dito, nawalan ng malay ang biktima at nalunod.

Tinangka pa siyang isalba ng kanyang mga kasamahan ngunit patay na ito ng kanilang matagpuan.