Nahanap na umano ni Senador Win Gatchalian ang biological mother ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na isa raw Chinese citizen.

Sa isang ambush interview sa media nitong Miyerkules, Mayo 29, nagsagawa raw ng imbestigasyon si Gatchalian upang makakalap ng impormasyon tungkol sa ina ni Guo.

National

Kampo ni Mayor Alice Guo, nanawagan sa ina na magpakita para ma-DNA

“Based on my investigation and asking around, saka ‘yung mga dokumento, personal analysis ko baka ito ‘yung biological mother niya [Alice Guo],” saad ni Gatchalian.

“She’s [a] Chinese citizen based on the Bureau of Immigration (BI) record. Galing sa Bureau of Immigration ‘yung record, Chinese citizen siya. She carries a Chinese passport,” dagdag pa niya.

Patunay raw ito na Chinese national si Guo.

“Obviously, Chinese siya. In our system we follow the bloodline eh. So kung ano ang [nationality] ng parents mo, ‘yun ang nationality mo,” paliwanag pa ng Senador.

Matatandaang sa ulat ng GMA News kamakailan, nanindigan ang kampo ni Guo na Pilipino ang ina ng alkalde.

“Naghahanap siya. ‘Yun nga ‘yung sabi ko sa next hearing, ilabas lahat ‘yang mga ‘yan. Mayroon, may mga albums… Eh ‘di sasagutin namin ‘yan pagdating namin sa SolGEn [Solicitor General],” ani Atty. Stephen David, abogado ni Guo, sa panayam sa GMA News.

“’Yung mommy niya kasi problema, hindi naman niya nakita ‘yan eh. Kaya sana lumabas ‘yung mommy niya para ma-DNA natin,” dagdag pa ni David.

BASAHIN: Kampo ni Mayor Alice Guo, nanawagan sa ina na magpakita para ma-DNA