Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang probinsya ng Davao Occidental nitong Sabado ng umaga, Mayo 25, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 10:20 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 371 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Balut Island sa munisipalidad ng Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 53 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

Tony Yang, hindi raw 'very close' kay ex-Pres. Duterte

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.