Patuloy pa rin ang pag-iral ng shear line at easterlies sa bansa, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Huwebes, Mayo 16.

Sa tala ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, inaasahang makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan ang mga lalawigan ng Batanes, Cagayan, at Isabela dulot ng easterlies, o ang “boundery line” kung saan kung saan nagsasalubong ang malamig at mainit na hangin.

Pinag-iingat ang mga residente sa mga nasabing lugar sa posibleng pagbaha o kaya nama’y pagguho ng lupa tuwing magkakaroo ng malalakas na pag-ulan.

Samantala, patuloy pa rin daw makararanas ang Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa ng maaalinsangang panahon, na may tsansa ng medyo maulap na kalangitan na may pulo-pulong pag-ulan sa hapon o gabi, dahil sa easterlies o ang mainit na hanging nagmumula sa karagatang Pasipiko.

National

ALAMIN: Mga sintomas ng heat-related illnesses at mga dapat gawin kapag nakaramdam nito

Sa kasalukuyan ay walang binabantayan ang PAGASA na alinmang bagyo o low pressure area (LPA) sa loob o labas ng Philippine area of responsibility (PAR).

Mayroon naman daw namamataang makakapal na ulap o Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa timog na bahagi ng Mindanao sa labas ng PAR. Hindi umano ito makaaapekto sa bansa sa susunod na 24 oras.