Natawa ang mga netizen sa hirit na biro ni Unkabogable Star at "It's Showtime" host Vice Ganda sa isa sa mga searchee ng "EXpecially For You" ng nabanggit na noontime show.

Isa kasi sa mga searchee para sa searcher na si "Sonny" ay may pangalang "Janella."

Si Janella ay 20-anyos na nursing student at freelance model.

Pabirong natanong ni Vice Ganda si Janella kung kumakanta ito at kung puwedeng magbigay ng sampol.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Natawa naman sa kaniya ang co-host na si Jhong Hilario. Maging si Janella ay natawa rin gayundin ang madlang people.

Matatandaang nagkaroon ng intriga sa pagitan ng Kapamilya star na si Janella Salvador at Kim Chiu kamakailan matapos hindi pagbigyan ng una ang hirit na sampol ng huli, nang mag-guest siya sa show.

Katwiran ni Janella, paos siya ng mga sandaling iyon kaya tinanggihan niya ang request ni Kimmy.

Dahil dito, na-bash nang bonggang-bongga si Janella ng mga tagahanga at tagasuporta ni Kim.

Lalo pang naglatang ang isyu nang humirit pa ng biro si Vice tungkol dito, sa kaparehong segment.

MAKI-BALITA: Janella, iniisyung ‘pinahiya’ si Kim sa Showtime; Vice Ganda, nagpa-shade?

Agad namang nagsalita si Janella tungkol sa isyu.

MAKI-BALITA: Janella Salvador nagsalita sa isyung ‘pinahiya’ ‘si Kim Chiu