Umabot sa “danger” level ang heat index sa 22 lugar sa bansa nitong Biyernes, Mayo 10, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa tala ng PAGASA nitong 5:00 ng hapon, naranasan ang “dangerous” heat index sa mga sumusunod na lugar:

  • Virac, Catanduanes - 46°C
  • National

    ALAMIN: Mga sintomas ng heat-related illnesses at mga dapat gawin kapag nakaramdam nito

  • Roxas City, Capiz - 45°C
  • Laoag City, Ilocos Norte - 44°C
  • Dagupan City, Pangasinan - 44°C
  • Aparri, Cagayan - 44°C
  • San Jose, Occidental Mindoro - 44°C
  • Puerto Princesa City, Palawan - 44°C
  • Dumangas, Iloilo - 44°C
  • Catarman, Northern Samar - 44°C
  • Ninoy Aquino Internation Airport (NAIA) sa Pasay City - 43°C
  • Iba, Zambales - 43°C
  • Sangley Point, Cavite - 43°C
  • Ambulong, Tanuan, Batangas - 43°C
  • Daet, Camarines Norte - 43°C
  • Tacloban City, Leyte - 43°C
  • Davao City, Davao del Sur - 43°C
  • Cubi Pt., Subic Bay, Olongapo - 42°C
  • Cuyo, Palawan - 42°C
  • Central Bicol State University of Agriculture (CBSUA) sa Pili, Camarines Sur - 42°C
  • Iloilo City, Iloilo - 42°C
  • Catbalogan, Samar - 42°C
  • Zamboanga City, Zamboanga del Sur - 42°C

Ayon sa PAGASA, ang heat index ay ang pagsukat kung gaano kainit ang nararamdaman kapag ang “humidity” ay isinasama sa aktwal na temperatura ng hangin.

Maaaring malagay sa “danger” level ang mga heat index mula 42°C hanggang 51°C dahil posible rito ang “heat cramp” at “heat exhaustion.”

“Heat stroke is probable with continued activity,” saad pa ng PAGASA.