Nakaranas ng “dangerous” heat index ang 26 lugar sa bansa nitong Huwebes, Mayo 9, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sa tala ng PAGASA nitong 5:00 ng hapon, umabot sa “danger level” ang heat index sa mga sumusunod na lugar:
- Dagupan City, Pangasinan - 47°C
- Virac, Catanduanes - 46°C
- Guiuan, Eastern Samar - 45°C
- Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City - 44°C
- Puerto Princesa City, Palawan - 44°C
- Roxas City, Capiz - 44°C
- Iba, Zambales - 43°C
- Sangley Point, Cavite - 43°C
- Cuyo, Palawan - 43°C
- Legazpi City, Albay - 43°C
- Masbate City, Masbate - 43°C
- Iloilo City, Iloilo - 43°C
- Bacnotan, La Union - 42°C
- Central Luzon State University sa Science City of Muñoz, Nueva Ecija - 42°C
- Cubi Pt., Subic Bay, Olongapo City - 42°C
- Infanta, Quezon - 42°C
- Alabat, Quezon - 42°C
- San Jose, Occidental Mindoro - 42°C
- Aborlan, Palawan - 42°C
- Central Bicol State University of Agriculture Station, Pili, Camarines Sur - 42°C
- Dumangas, Iloilo - 42°C
- Catarman, Northern Samar - 42°C
- Tacloban City, Leyte - 42°C
- Maasin, Southern Leyte - 42°C
- Dipolog, Zamboanga del Norte - 42°C
- Butuan City, Agusan del Norte - 42°C
Ayon sa PAGASA, ang heat index ay ang pagsukat kung gaano kainit ang nararamdaman kapag ang “humidity” ay isinasama sa aktwal na temperatura ng hangin.
Maaaring malagay sa “danger” level ang mga heat index mula 42°C hanggang 51°C dahil posible rito ang “heat cramp” at “heat exhaustion.”
“Heat stroke is probable with continued activity,” saad pa ng PAGASA.