Nakaranas ng “dangerous” heat index ang 25 lugar sa bansa nitong Biyernes, Mayo 3, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sa tala ng PAGASA nitong 5:00 ng hapon, umabot sa “danger level” ang heat index sa mga sumusunod na lugar nitong Biyernes:
- Laoag City, Ilocos Norte - 45°C
- Dagupan City, Pangasinan - 47°C
- Mariano Marcos State University (MMSU) sa Batac, Ilocos Norte - 42°C
- Bacnotan, La Union - 44°C
- Aparri, Cagayan - 46°C
- Tuguegarao City, Cagayan - 42°C
- Iba, Zambales - 43°C
- Casiguran, Aurora - 42°C
- Cubi Pt., Subic Bay, Olongapo - 42°C
- Ambulong, Tanuan, Batangas - 42°C
- Infanta, Quezon - 42°C
- San Jose, Occidental Mindoro - 42°C
- Puerto Princesa City, Palawan - 43°C
- Aborlan, Palawan - 43°C
- Cuyo, Palawan - 45°C
- Virac, Catanduanes - 44°C
- Masbate City, Masbate - 42°C
- Central Bicol State University (CBSUA) sa Pili, Camarines Sur - 44°C
- Dumangas, Iloilo - 43°C
- La Granja, La Carlota, Negros Occidental - 42°C
- Catarman, Northern Samar - 43°C
- Borongan, Eastern Samar - 42°C
- Guiuan, Eastern Samar - 42°C
- Cotabato City, Maguindanao - 42°C
- Butuan City, Agusan del Norte - 44°C
Ayon sa PAGASA, ang heat index ay ang pagsukat kung gaano kainit ang nararamdaman kapag ang “humidity” ay isinasama sa aktwal na temperatura ng hangin.
Maaaring malagay sa “danger” level ang mga heat index mula 42°C hanggang 51°C dahil posible rito ang “heat cramp” at “heat exhaustion.”
“Heat stroke is probable with continued activity,” saad pa ng PAGASA.