Pansamantalang isinara sa mga motorista ang EDSA-Kamuning flyover habang sumasailalim sa rehabilitasyon simula nitong Mayo 1.
Inabisuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na gamitin ang mga alternatibong rutang Scout Borromeo, Panay Avenue, Mother Ignacia Avenue at Scout Albano.
“This move is to lessen the traffic on Kamuning service road. All vehicles, including motorcycles, are urged to use the alternate routes,” ani MMDA acting chief Romando Artes.
Nakiusap na ang MMDA sa Quezon City government na paigtingin ang clearing operations sa mga alternatibong ruta upang hindi tuluy-tuloy ang daloy ng trapiko.
Anim na buwang aayusin ang nasabing flyover (southbound lane) at ito ay inaasahang bubuksan sa trapiko sa Oktubre 25.
PNA