Itinama ng Sparkle artist na si Joaquin Domagoso ang misconception ng maraming tao sa ama niyang si dating Manila Mayor Isko Moreno.

Sa latest vlog ni showbiz insider Ogie Diaz noong Biyernes, Abril 26, sinabi niyang hindi raw puppet ang kaniyang ama.

“Papa ko, hindi puppet. Papa ko ang mastermind ng lahat. Siya ‘yong nag-iisip. Siya ‘yong nag-wowork Monday to Sunday. Hindi siya ‘yong matutulog na ‘bukas vacation muna ako. Punta muna ako rito.’ Hindi. ‘Kahit nasa bakasyon ako, hindi ako nakakapag-enjoy sa bakasyon,’” pahayag ni Joaquin.

“Gano’n siyang tao. Mahilig siyang gumawa ng maganda. At masabi niya: ‘nakatulong ako. Naibigay ko ‘yong mga hindi ko natikman, naibigay ko sa ibang mga tao,’” aniya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Dagdag pa ni Joaquin: “Lagi niyang sinasabi, noong kabataan niya never niyang nagawa ‘to. Never siyang nakapag-aral ng private school. Nag-public school siya, mainit. Walang aircon. Ngayon pupunta kang Arellano, may aircon na sila. Pupunta kang gan’to, may gymnasium na sila.”

Samantala, sa isang bahagi ng vlog, ibinahagi rin ni Joaquin na patuloy pa rin daw na lumalapit ang mga tao kay Isko kahit wala na sa posisyon ang huli. Pero ayon kay Joaquin, wala pa raw sa isip ng kaniyang ama na muling bumalik sa politika sa kasalukuyan. 

MAKI-BALITA: Kahit hindi na Yorme: Isko, nilalapitan pa rin ng mga tao