Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang probinsya ng Bukidnon nitong Huwebes ng hapon, Abril 25, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 2:50 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 6 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Maramag, Bukidnon, na may lalim na 11 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

National

De Lima sa paggamit ng Duterte sa People Power: 'Galit sa mga aktibista pero gusto magpa-rally'

Intensity III - San Fernando, BUKIDNON

Intensity II - Maramag, BUKIDNON

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.