Hanggang saan aabot ang pagiging marites mo?

Noong 2019, naging usap-usapan ang isang babae sa La Virginia, Colombia matapos maipit sa rehas na gate ng kapitbahay ang kaniyang ulo upang silipin ang ginagawa ng mga ito.

Sa ulat ng Radio La Roca FM 103.9 noong Mayo 19, 2019, makikitang nagtulong-tulong na ang mga pulis at bumbero sa lugar upang maalis ang ulo ng babae mula sa pagkakaipit, dahil hindi na niya ito matanggal.

Katatawanan

Wish na bumalik si ‘Kuya Rico’ sinupalpal: ‘Sumunod ka na lang!’

Saad pa sa ulat, tumagal daw ng limang oras bago nahugot ang kaniyang ulo.

Tinawag naman ng ilang netizens ang babae na tsismosa–taong mahilig maki-usyoso, na sa kasalukuyan ay tinatawag namang "marites."

Saad pa ng mga netizen, "dasurv" daw ng babae ang nangyari sa kaniya, at sana raw, sa susunod ay dila naman sana ang maipit kung itutuloy pa rin ang tsismis o pakiki-usyoso.

Sa kasalukuyang panahon, bukod sa personal na pakikipag-usap, laganap ang tsismis sa social media lalong-lalo na sa mga intrigang kinasasangkutan ng mga artista.

Puwede bang makasuhan dahil sa tsismis?

Sa "Kapuso sa Batas" ng GMA News "Unang Hirit" noong 2020, inilahad ni resident lawyer Atty. Gaby Concepcion ang tungkol sa mga posibleng parusa dahil sa tsismis.

Ayon kay Atty. Concepcion, maaaring sampahan ng kaso ang mga tsismoso at tsismosa lalo na kung nakasira sila ng reputasyon o puri.

Ayon sa post ng "Law Phils," Ang tsismis ay puwede ring maging civil case at humingi ng danyos o damages dahil nasa Chapter 2, Article 26 ng New Civil Code on Human Relations ay nagsasabi na " ang lahat ng tao ay dapat irespeto ang dignidad, personalidad, privacy o pagsasarili at kapanatagan ng pag-iisip o peace of mind ng kaniyang kapitbahay at ng ibang tao. Ang sumusunod at katulad na gawain na hindi matatawag na krimen pero pwedeng panggalingan ng karapatan upang magsampa ng kaso at pagbayarin ng danyos at iba pang pagbabawal ay:

(a) Pagsilip (Prying) sa privacy ng katabing bahay o tirahan;

(b) Pakikialam (Meddling) o pagdisturbo (disturbing) sa pribadong buhay o family relation sa iba;

(c) Pang-iintriga (Intriguing) upang layuan ang isang tao ng kaniyang mga kaibigan; at

(d) Pambubuwisit (Vexing) o panghahamak/pang-aalipusta (humiliating) ng isang tao dahil sa kaniyang religious beliefs, estado sa buhay, lugar ng kapanganakan, depektong pampisikal, o iba pang kalagayang pampersonal.

Photo courtesy: Civil Code of the Philippines