Pinatutsadahan nga ba ni “It’s Showtime” host Teddy Corpuz ang aktor na si Janus Del Prado sa kaniyang X post?

Tungkol kasi sa pagiging bitter ang laman ng naturang post ni Teddy kamakailan bagama’t wala naman siyang binanggit na pangalan kung sino ang kaniyang tinutukoy. 

“Learn to forgive. Mas magaan sa pakiramdam, puso, at sa konsensiya. Focus ka lang sa kalagayan at diskarte mo at huwag ikumpara ang katayuan mo sa katayuan ng iba,” pahayag ni Teddy.

“Nakakapangit ng mukha at ugali ang pagiging bitter. Forgive par! Love! Love!” dugtong pa niya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sey tuloy ng isang netizen: “tama yan Sir, dedma na sa kanegahan ng iba..kagaya ni Janus na clout chaser lol..feeling superhero ni B pero mali naman ang way ng pagtatanggol..🤪”

Narito ang ilan pang reaksiyon ng mga netizen sa naturang post ni Teddy na mababasa sa comment section:

"I've always liked your words of wisdom and faith on Showtime. Thank you for spreading positive vibes always. Keep doing that - you never know who might need to hear those words when you say it. 🙏"

"KAYA IDOL NA IDOL KUTO EH"

"Amen! Wag bitter. john knows"

"Tama Sir @teddspotting"

Matatandaang naging kontrobersiyal ang post ni Janus kamakailan sa kaniyang Instagram account dahil ang hinala ng mga netizen ay pinatamaan ng aktor ang “It’s Showtime” hosts matapos ang opisyal na pag-ere ng naturang noontime show sa GMA Network.

MAKI-BALITA: Janus Del Prado, may patutsada: ‘Kala ko ba hindi loyal ang mga lumilipat?’