Isang magandang balita ang inihatid ng tinaguriang “Queen of Bangsamoro Pop” na si Shaira Moro para sa kaniyang mga tagasubaybay.

Sa isang video statement kasing inilabas ni Shaira nitong Linggo, Abril 7, sinabi niya na mapakikinggan na ulit ang kanta niyang “Selos” sa online streaming platforms.

“Nais ko ihayag sa inyong lahat na malapit na po naming ibalik sa mga streaming platform ang kantang ‘Selos.’ Kasabay na rin po ng iba pang kanta ng aming produksyon,” saad ni Shaira.

“Sana po ngayon ay maging masaya na lang po tayo dahil hindi lang naman po ‘to para sa akin. Para din po ito sa mga kapuwa ko Bangsamoro artist at sa mga kapuwa ko Pilipino,” aniya.

Musika at Kanta

Funny pero dark? 'Salarin, Salarin' ng BINI-b10 umani ng reaksiyon

Dagdag pa niya: “Nagpapasalamat po kami sa lahat ng nananatiling matibay ang paniniwala at suporta sa aming produksiyon.”

Matatandaang nabalot si Shaira ng kontrobersiya matapos mapuna ng maraming netizens na tila katunog ng “Selos” ang  “Trouble Is A Friend” ni Australian singer-songwriter Lenka.

MAKI-BALITA: ‘Selos’ ni Shaira, tinanggal na sa mga online streaming platform