Todo-flex si "Queen Mother" at "Face 2 Face" host Karla Estrada sa "bagong" pinagkakaabalahan ng kaniyang anak na si Daniel Padilla.

Ito ay walang iba kundi ang bago nitong endorsement, na isang clothing line.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

View this post on Instagram

A post shared by KARLA ESTRADA (@karlaestrada1121)

Makikita sa Instagram posts ni Karla ang pag-flex niya sa sneak peek ng bagong milestone ng kaniyang anak, na tila subtle way raw para basagin ang mga nagsasabing "laos" na o pasadsad na ang career ni DJ matapos ang nangyaring hiwalayan nito sa ex-girlfriend na si Kathryn Bernardo.

May hashtag itong "DforJ."

"Way to go anak! 👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻❤️❤️❤️" ani Karla.

Sa kaniyang sariling Instagram posts naman ay nagpakita rin ng patikim si DJ sa kaniyang bagong endorsement.

"What are you waiting for," caption niya.

Matatandaang nauna na siyang nagpaabot ng pagbati sa anak sa pamamagitan ng Instagram story kamakailan, na hinulaan naman ng netizens kung ano ang dahilan.

Noong Abril 1 naman, ibinida ni Daniel ang renewal of contract niya sa ineendorsong shawarma.