Nalibing nang buhay ang isang obrero matapos na gumuho ang lupa ng isang construction site sa Antipolo City nitong Lunes ng hapon.

Gayunman, patay na ang biktimang si Allen Glen Malab nang mahukay ng mga awtoridad mula sa guho.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Lumilitaw sa imbestigasyon ng Antipolo City na dakong alas-4:40 ng hapon nang maganap ang insidente sa construction site sa HillCrest St., Parkridge Estate, sa Brgy. Sta. Cruz.

Ayon sa pulisya, kasalukuyan umanong nagtatanggal ng brace ng concrete wall ang biktima nang biglang gumuho ang lupa at matabunan siya.

Mabilis namang rumesponde ang mga awtoridad upang sagipin ang  biktima. Ngunit inabot pa ng apat na oras bago tuluyang nahukay ang biktima.