Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na kabuuang 783 persons deprived of liberty (PDLs) ang pinalaya na nila, sa pamamagitan ng Bureau of Corrections (BuCor), sa isinagawang culminating activity sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City nitong Lunes.

Ang ceremonial rites na may temang “Pagpapalakas ng Programang Pang-Repormasyon Tungo sa Tagumpay at Panibagong Ambisyon,” ay pinangunahan nina DOJ Undersecretary-in-Charge for Corrections Cluster Deo Marco, Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida V. Rueda-Acosta, Board of Pardons and Parole (BPP) Chairperson Sergio R. Calizo at ni BuCor Director-General Gregorio Catapang Jr..

Ayon sa DOJ, ang mga pinalayang PDLs ay mula sa iba’t ibang prison at penal facilities sa buong bansa na nasa ilalim ng BuCor, kabilang ang New Bilibid Prison (NBP), Correctional Institution for Women (CIW), Davao Prison and Penal Farm (DPPF), Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) at marami pang iba.

Batay naman sa ulat ng BuCor, nabatid na pinalaya ang mga PDLs dahil sa iba’t ibang pamamaraan, kabilang na ang acquittal, parole, conditional pardon, cash bond, bail bond, expiration ng maximum sentence, expiration ng maximum sentence na may Good Conduct Time Allowance (GCTA) at marami pang iba.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Your resilience and perseverance in life within the difficult walls of prison is a living testament that anyone who falls can rise even stronger, wiser and better,” pahayag ni DOJ Secretary Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla.

“The release of these PDLs not only addresses congestion in our prison and other detention centers but allows them to reintegrate to mainstream society,” dagdag pa ng kalihim.

Hinikayat din naman ng DOJ chief ang mga PDLs na ipagpatuloy ang pagbabagong buhay.

“March forward with unwavering determination, you have a whole new lease on life,” aniya pa.

Matatandaang kamakailan lamang, nasa 500 PDLs ang inilipat ng BuCor mula sa NBP patungong Sablayan Prison and Penal Farm (SPPF) sa Occidental Mindoro, bilang bahagi ng kanilang pagsusumikap na i- decongest ang national penitentiary.