Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang probinsya ng Bukidnon nitong Lunes ng umaga, Abril 1, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 10:12 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 13 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Quezon, Bukidnon, na may lalim na 10 kilometro.

Naitala Instrumental Intensity III sa San Fernando, Bukidnon.

National

Sa gitna ng girian: PBBM, minsan lang nagsalita vs VP Sara – Rep. Abante

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.