Umabot sa “danger” level ang heat index ng siyam na lugar sa bansa nitong Martes, Marso 26, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa tala ng PAGASA, nagkaroon ng pinakamataas na heat index na 44℃ ang Roxas City, Capiz.

Nasa 43℃ naman ang heat index na naranasan sa San Jose, Occidental Mindoro; Masbate City, Masbate; Iloilo City, Iloilo, at sa Butuan City, Agusan del Norte.

Samantala, naitala ang 42℃ sa Ninoy Aquino International Airport sa Pasay City; Puerto Princesa City, Palawan; Central Bicol State University of Agriculture (CBSUA) sa Pili, Camarines Sur, at Cotabato City, Maguindanao.

National

Sa gitna ng girian: PBBM, minsan lang nagsalita vs VP Sara – Rep. Abante

Ayon sa PAGASA, ang heat index ay ang pagsukat kung gaano kainit ang nararamdaman kapag ang “humidity” ay isinasama sa aktwal na temperatura ng hangin.

Maaari umanong malagay sa “danger” level ang mga heat index na mula 42°C hanggang 51°C dahil posible rito ang “heat cramp” at “heat exhaustion”.

“Heat stroke is probable with continued activity,” saad pa ng PAGASA.