Pasimple nga bang binati ni Kapamilya star Daniel Padilla ang ex-jowang niyang si Outstanding Asia’s Star Kathryn Bernardo para sa 28th birthday nito?

Sa Instagram story kasi ni Daniel nitong Martes, Marso 26, makikita na ibinahagi niya ang tila isang artfully blurred photo ni Kathryn.

Bukod pa rito, mapapansin din ang text na nakasulat sa Japanese character na kung isasalin sa English ay “Happy birthday” ang lalabas na resulta.

Photo Courtesy: Screenshot from Daniel Padilla (IG)

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Kahit hiwalay na, tila hindi pa rin talaga nakakalimutang batiin ni Daniel si Kathryn sa mga mahahalagang araw na gaya nito. 

Matatandaang isa si Kathryn sa mga pinasalamatan ni Daniel sa ginanap na contract signing nito sa ABS-CBN

MAKI-BALITA: Sa kabila ng lahat: Daniel, pinasalamatan pa rin si Kathryn

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang reakisyon o tugon ang aktres sa pagbating ito ng kaniyang ex.

Ipinanganak si Kathryn noong Marso 26, 1996.