Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kaisa siya at ang mga Pilipino sa pagdarasal para kay Kate Middleton, Princess of Wales.

“The Filipino people have Catherine, the Princess of Wales, in our thoughts and prayers throughout this challenging time,” ani Marcos sa isang pahayag nitong Lunes, Marso 25, na inulat ng Presidential Communications Office.

“We pray for her good health and continued healing, and for the strength of her family during this difficult period,” dagdag pa niya.

Matatandaang noong Biyernes, Marso 22, nang ianunsyo ni Princess Kate na na-diagnose siya na may cancer at sumasailalim sa early stages ng chemotherapy.

Internasyonal

Princess Kate ng Wales, na-diagnose na may cancer

Bago ito, matatandaang noong Pebrero lamang ay inihayag naman ng royal officials na nagpapagaling si King Charles III mula sa cancer.

https://balita.net.ph/2024/02/06/king-charles-iii-na-diagnose-na-may-cancer/